tanong nila sakin, ba't daw ako nagsusulat
patulan kahit mga papel na nakakalat;
nagtitiyaga daw sa nagtatae kong pluma
kahit ba ang itchura nito'y pambalot na ng tinapa
hindi ko naman daw ito ikakayaman
o ikababago ng antas ko sa lipunan
walang saysay at aksaya lang daw sa tinta
walang matinong maisulat at isa daw basura
ba't di daw ilingon sa mas makabuluhang bagay
at itigil ang paghalik sa papel na walang buhay;
itawid ko daw ang kawawang ligaw kong diwa
sa mundo kung sa'n dapat dilat ang aking mga mata
masasakit na paratang pawang may katotohanan
ngunit sa papel humihilik ang mga obrang pinagpaguran;
oo marahil hindi 'to natutumbasan ng anong halaga
at tila hasa ang dila mo sa ganitong pangmamata
susulat ako habang may espasyo akong makikita
dugyot man ito sa paningin mo, anong pake mo ba?
naniniwala ako na ito'y pinagdaanan din nila
sila na mga tanyag na at gawa'y isinasapelikula
wala akong balak iangat ang ulo ko sa lipunan
at may nakaambang panganib na ako'y mapugutan,
kahit may isa lang na magtitiyagang ako'y subaybayan
gigising ako ng may ngiti at patuloy na siya'y susulatan
totoong hindi ako nito kayang ilangoy o iligo sa pera
o ihiga sa yaman kung sa'n may ilan lang ang may kaya,
ngunit di mo rin naman ako kayang buhayin ng iyong mga salita
at di ko hahayaang sunugin mo ang kapirasong papel, kung sa'n ako humihinga.
Sunday, September 5, 2010
ANG LABO LANG
kung gusto mo mag ingay, nakikinig lang ako,
balak ko din sana, asan na ang tenga mo?;
kung gusto mo umiyak, balikat ko'y nakahanda,
pabagsak kong mga luha, ba't napatalikod na?
kung problema ang pag uusapan, mayaman ako diyan,
pagdating sa damayan, ako'y may kakapiranggot lang;
mapansin mo sana na ako ang tumatabi sayo,
sa oras na di mo mahagilap ang kanilang mga anino.
tikom at silyado ang bibig 'pag nagkakagulo,
iimik na lang 'pag hiningi ang opinyon ko;
kung sa tingin mo'y isa ng mali, tsaka ka lilingon,
at nagbibigay ng atensyon na di maibigay noon?.
ang hirap kasi sayo, ayaw mong umintindi,
sa sitwasyong madalas ako'y isang pipi;
nagtatanong ka sa balitang nasagap mo kahapon,
ba't di nagawang kamustahin, araw bago ang kahapon?

Thursday, September 2, 2010
USAP TAYO
ilang buwan narin ang nagdaan
pati taon ay patuloy na binibilang;
kumusta ka na, naaalala mo pa ba 'ko?
makikibalita lang sana, tara usap tayo.
matagal ng nakabakante 'tong upuan
sinasapot na ng gagamba't pinamamahayan;
hanggang kailan pa ba 'ko mghihintay sayo,
pakiusap dumito ka na't magusap na tayo.
tama, wala naman akong pinanghahawakang pangako
ni ang kasiguraduhang tayo pa nga ba'y magkakatagpo;
hanggang kailan mo ba balak na makipagtaguan?
tama na ang laro kung 'di ka patas lumaban!
konting kwento lang ay pwede na sakin
ilang tanong ko, pakiusap iyo ng liwanagin;
kahit sumaglit ka lang, 'di ako magtatampo,
habang may oras pa, tara usap na tayo.
pinakikiramdaman ko ang panahong dumadaan
malamig na pakikitungo, kailan tutuldukan?,
kung sisimulan muli ang lahat na pakibagayan,
teka, baka pwede yung tayo naman muna ating pag-usapan.

KULAY NG KALAYAAN
bumuo ulit ng panibagong pag-asa sa mata ng madla
ang mga isinilang na bagong mamumuno sa bansa;
unti-unting gumuguhit ang ngiti sa labi ni Juan,
'wag sana pumait sa kasagsagan ng panunungkulan.
inaasahang magbibigay ng katapatang serbisyo,
at marapat na hustisya sa mga taong patuloy na bigo;
maiabot sana ang platapormang naipangako nila noon,
at bigyang pansin ang mga taong malayo sa'ting sibilisasyon.
ilang henerasyon na ang nagdaan sa ating bansa
lugmok sa putik ang prinsipyong ibinabasura ng iba;
palitan na sana ang handaan sa inyong admininstrasyon,
at hindi ang nakakalason at nabubulok ninyong akusasyon!
buong tiwala ang ihahain ko sa kasalukuyang pamahalaan,
pwersa ng masa'y buong buo sa pagsulong ng sinasabing kaunlaran
mga nabiting pangako sa bayan na maging noon pa man,
maiabot sana sa kahit anong kaparaanan.
hindi kulay DILAW ang magsisimula ng pagbabago,
o ang isinusulong na bagong mukha ng bawat Pilipino;
tandaan natin sana na KAYUMANGGI ang kulay noon pa man,
ang bumandila sa pagkamit ng laya sa bansang ating ipinaglalaban.

NARURUPOK NA TULAY
hindi pa maayos ng aking datnan
at bumulaga sa akin ang malinis na pinggan,
wari'y nagbabadya na ipagpaliban na lang
sa pagtitipon sana ika'y makasaluhan
pagkakataon nga naman kung inaasahan
ano't umaatras at ako ay tinalikuran?
ipahintulot mo sanang ating simulan
ang napagkasunduan natin sa likod ng hidwaan
hindi ko hangad ang magarbong handaan
kung 'di rin naman magagalaw ang nasa hapag kainan;
kung gusto mong magpatayo ng panibagong tulay
siguraduhing ito'y mararaanan at tiyaking maging matibay.
pagmamasdan ko ang paglubog ng araw
magsusulat sa buhangin at sa kabihasna'y dudungaw;
ilang taon narin akong umaasa't nakaabang,
sa paliparan o pantalan, anino sana'y maanigan.

Subscribe to:
Posts (Atom)