Tuesday, July 26, 2011

ASA

sa tuwing hahakbang 'tong mga paa
nagpupumiglas, sinusubukang makawala;
tila walang layong kayang marating
nagmumukmok sa sulok; humahalik sa dingding

namamanhid parin sa sakit na 'king iniiwasan
nakatali parin sa 'ting napagkasunduan;
namumugtong mga mata di na namahinga
luhang di maawat, pakiusap tama na.

dadamhin ang halik ng malamig na hangin
palihim yumayapos, tila may pagtingin;
di ko gugustuhin sa ganitong kalagayan,
kung walang aakap pabalik, aayaw na lang

di dahil kita mong ngumingiti ang labi ko
at walang luhang pinupunasan sa harapan mo;
di ibig sabihin wala akong inaangal sa mundo,
dahil singil sa utang nila'y di pa halos nabubuo

gusto kong ayusin ang kung ano mang meron ako
makabalik sa lugar kung san di nagaalala ng ganito;
oo natatakot ako; takot umulit sa pagkakamali ako na mismo gumagawa,
o makarinig ng mga salitang ayaw ng marinig ng dalawa kong tenga.

di alam hanggang kailan ako tatakbo palayo
tumakas sa kinatatakutang nagpapaduwag sakin ng husto;
ilang beses pa ba ako masusugatan ng walang gumagamot?
ilang beses pa? para humilom na ang mga sugat; at ibaon lahat sa limot.