Thursday, September 2, 2010

USAP TAYO

ilang buwan narin ang nagdaan
pati taon ay patuloy na binibilang;
kumusta ka na, naaalala mo pa ba 'ko?
makikibalita lang sana, tara usap tayo.

matagal ng nakabakante 'tong upuan
sinasapot na ng gagamba't pinamamahayan;
hanggang kailan pa ba 'ko mghihintay sayo,
pakiusap dumito ka na't magusap na tayo.

tama, wala naman akong pinanghahawakang pangako
ni ang kasiguraduhang tayo pa nga ba'y magkakatagpo;
hanggang kailan mo ba balak na makipagtaguan?
tama na ang laro kung 'di ka patas lumaban!

konting kwento lang ay pwede na sakin
ilang tanong ko, pakiusap iyo ng liwanagin;
kahit sumaglit ka lang, 'di ako magtatampo,
habang may oras pa, tara usap na tayo.

pinakikiramdaman ko ang panahong dumadaan
malamig na pakikitungo, kailan tutuldukan?,
kung sisimulan muli ang lahat na pakibagayan,
teka, baka pwede yung tayo naman muna ating pag-usapan.

No comments:

Post a Comment