Thursday, September 2, 2010

KULAY NG KALAYAAN

bumuo ulit ng panibagong pag-asa sa mata ng madla
ang mga isinilang na bagong mamumuno sa bansa;
unti-unting gumuguhit ang ngiti sa labi ni Juan,
'wag sana pumait sa kasagsagan ng panunungkulan.

inaasahang magbibigay ng katapatang serbisyo,
at marapat na hustisya sa mga taong patuloy na bigo;
maiabot sana ang platapormang naipangako nila noon,
at bigyang pansin ang mga taong malayo sa'ting sibilisasyon.

ilang henerasyon na ang nagdaan sa ating bansa
lugmok sa putik ang prinsipyong ibinabasura ng iba;
palitan na sana ang handaan sa inyong admininstrasyon,
at hindi ang nakakalason at nabubulok ninyong akusasyon!

buong tiwala ang ihahain ko sa kasalukuyang pamahalaan,
pwersa ng masa'y buong buo sa pagsulong ng sinasabing kaunlaran
mga nabiting pangako sa bayan na maging noon pa man,
maiabot sana sa kahit anong kaparaanan.

hindi kulay DILAW ang magsisimula ng pagbabago,
o ang isinusulong na bagong mukha ng bawat Pilipino;
tandaan natin sana na KAYUMANGGI ang kulay noon pa man,
ang bumandila sa pagkamit ng laya sa bansang ating ipinaglalaban.

No comments:

Post a Comment