kung gusto mo mag ingay, nakikinig lang ako,
balak ko din sana, asan na ang tenga mo?;
kung gusto mo umiyak, balikat ko'y nakahanda,
pabagsak kong mga luha, ba't napatalikod na?
kung problema ang pag uusapan, mayaman ako diyan,
pagdating sa damayan, ako'y may kakapiranggot lang;
mapansin mo sana na ako ang tumatabi sayo,
sa oras na di mo mahagilap ang kanilang mga anino.
tikom at silyado ang bibig 'pag nagkakagulo,
iimik na lang 'pag hiningi ang opinyon ko;
kung sa tingin mo'y isa ng mali, tsaka ka lilingon,
at nagbibigay ng atensyon na di maibigay noon?.
ang hirap kasi sayo, ayaw mong umintindi,
sa sitwasyong madalas ako'y isang pipi;
nagtatanong ka sa balitang nasagap mo kahapon,
ba't di nagawang kamustahin, araw bago ang kahapon?
No comments:
Post a Comment