ipinapanghilamos ko ang luha sa umaga,
ginagawang panata ang mga pasaning aking dala;
o tadhana, hanggang kailan ako makikipagtawaran,
at kailan mo ako bibigyan ng isang patas na laban?
buksan ang mga mata, saki'y 'wag magbulag-bulagan
hinanakit sa mundo'y tila wala ng katapusan;
ikumpas ang iyong kamay ng ako'y madisiplina,
at maituwid ang bumabaluktot kung tigang na paniniwala
'di na yata nawala sa uso ang mga problema,
parang sakit pag 'di binigyan pansin ay lalong lumalala;
may ibang nagpapaka superhero, lahat daw ay kaya,
ngunit sa apat na sulok ng kwarto, palihim ngumangawa
hayaang hanapin ang sagot sa mga katanungan
hayaang matuto ako't pasyensiya mo'y pakihabaan;
hayaang suyuin kita sa paraang alam ko,
at hayaang mga matang 'to, tititig lang para sayo.
hanggan kailan ba ako mangungumbinsi,
pagbigyan ang mga tao, kalimutan ang sarili?,
hanggang kailan ba ako dapat umintindi
wala bang magkukusa, ako na lang ba lagi?
pakiusap dahan-dahan, konting pagiingat naman,
pakiusap saglit lang, hapo na ang aking katawan;
nalulunod na ako sa mga binabatong pang aakusa,
baka pwedeng ako'y iahon, pasigaw ng *tama na!*
'di alam kung hanggang kailan ako tutunganga,
'di alam kung may babalik o lahat sumuko na;
anong silbi ng kontrata kung sa bibig lang gawa,
ni ang nakatalang mga pangako, kung marami nakapirma?
BUHAY MAKATA
a poet started with a pen and ended up with her own masterpieces.
Friday, December 16, 2011
Sunday, October 9, 2011
SULAT
hindi ko ilalayo ang sarili ko sayo,
o gumawa ng mga eksenang ikakagalit mo.
hindi ko babaguhin ang pagtingin mo sakin,
may mga ilang bagay lang sana akong nais sabihin.
wala akong away na sinisimulan,
o palalain ang lamat na sa atin namamagitan.
ako parin naman 'tong sabik sa iyong pagbabalik,
mayakap ka't ikulong pabalik sa 'king bisig.
ayokong palungkutin ang ating mga sarili,
at dumating sa puntong sakin na naman ang sisi.
isa lang naman ang hiling ko sa mga gabing nagdaan,
bumilis ang takbo ng araw at ako pa'y iyong madatnan.
hawak ko parin ang pangakong naguugnay satin
hawak ko ang pag asang ako'y babalikan mo parin.
'wag mong isiping pinipilit ko ang sarili na magbago,
may gusto lang akong gawin, na ikakapanatag ng loob ko.
kung pagdududa man ang nakatanim sa iyong puso
at di ko man magawang putulin ang pinag ugatan nito,
wala akong pipiliting baguhin sa ating pinagsamahan,
ako parin ang babaeng nakilala mo sa apat na sulok ng Dominican.

Tuesday, July 26, 2011
ASA
sa tuwing hahakbang 'tong mga paa
nagpupumiglas, sinusubukang makawala;
tila walang layong kayang marating
nagmumukmok sa sulok; humahalik sa dingding
namamanhid parin sa sakit na 'king iniiwasan
nakatali parin sa 'ting napagkasunduan;
namumugtong mga mata di na namahinga
luhang di maawat, pakiusap tama na.
dadamhin ang halik ng malamig na hangin
palihim yumayapos, tila may pagtingin;
di ko gugustuhin sa ganitong kalagayan,
kung walang aakap pabalik, aayaw na lang
di dahil kita mong ngumingiti ang labi ko
at walang luhang pinupunasan sa harapan mo;
di ibig sabihin wala akong inaangal sa mundo,
dahil singil sa utang nila'y di pa halos nabubuo
gusto kong ayusin ang kung ano mang meron ako
makabalik sa lugar kung san di nagaalala ng ganito;
oo natatakot ako; takot umulit sa pagkakamali ako na mismo gumagawa,
o makarinig ng mga salitang ayaw ng marinig ng dalawa kong tenga.
di alam hanggang kailan ako tatakbo palayo
tumakas sa kinatatakutang nagpapaduwag sakin ng husto;
ilang beses pa ba ako masusugatan ng walang gumagamot?
ilang beses pa? para humilom na ang mga sugat; at ibaon lahat sa limot.

Wednesday, April 6, 2011
PIKIT MATA.
lumipas na ang mga araw, ako'y napapailing
hinulmang tiwala, ngayo'y aking titibagin
pagkakamali lang ako'y nagpalupig
inakalang damdamin, laro pala ang ibig
pikit mata kong hinaharap ang kasalukuyan
nabulag sa mga bagay, kala may patutunguhan
pagkakataon naman ay 'di ko ipinagkait
hinablang katotohanan, kasinungalingan ang balik
saan ba hinuhugot ng iyong konsyensiya
'di maipagkakaila isa ka ngang bihasa
pagkakamali lang ang 'di pagbigay pansin
babalang natanggap, ngayon palang nagigising
pikit mata kong pinagbibigyan itong sarili
takip tenga sa pasaring, uulit 'di na muli
mga pangako'y 'di na nabibigyang hustisya
duwag kitang tatawagin, puro ka salita
pikit mata kong iniluluha ang mga pangyayari
pagdaramdam ng damdamin 'di ko ikukubli
pikit mata kong sisisihin itong aking sarili
ng 'di na maduduwag pag nakita kita muli
pikit mata kong ipapakita itong nanghihinang kalooban
titingala sa langit patunay na wala akong laban
hayaang sunugin 'tong tulay na kakagawa pa lang
pikit mata akong tatalikod, lilingon di na kailanman.

Wednesday, March 16, 2011
AKIN LANG SANA
gusto kong paniwalaan dikta ng aking puso
damhin ang bawat sandali dito sa piling mo
gusto kong pagbigyan ang pakiusap ng panahon
baka sakaling matakpan pait ng kahapon.
hayaang matunaw sa iyong mga titig
ikulong ang sarili sa ilalim ng iyong bisig
kung malayang tawagin kita'y maging akin
ngunit pag-ibig sa kanya'y ayokong himasukin.
hayaang hawakan itong iniingatang kamay
at maglakad sa mundo ng walang dalang lumbay

ng di siya ang nakikita, kita'y di ililihim

ng walang magdidikta, walang poproblemahin
kung malayang makapag simula ng walang inaalala
ngunit rehas ng kahapo'y di tayo makawala
di pa man napapanahon para sumugal ulit
di pa man talaga kaya, ay 'wag ng ipagpilit
kung malaya ka pa sa panahong ako'y handa na
baka sakaling ako'y balikan, maging ikaw at ako na.
* .at malayang tawagin kita'y akin at akin lang sana. *

Thursday, October 7, 2010
BAKANTE
hindi naman naging madali para sakin ng pinili kong bitawan ang kamay mo na pinanghawakan ko sa loob ng anim na taon. alam mong hindi rin biro ang mga pagkakataong gusto na kita sukuan noon pero pinili ko parin tumabi sayo at kumbinsihin ang sarili ko na kaya pang ayusin.
kaso lang, paano pa aayusin ang isang relasyon kung isa na lang ang gumagawa ng paraan at pinipilit na lang ayusin ang nasisira't naglalamat na pundasyon ng ating pinagsamahan?
alam ko't alam mo, dahil kwento natin 'to.
tapos na rin ang mga gabing nakakatulog ako sa kakaiyak at gigising na lang sa umaga na namumugto ang mga mata. bagay na hindi ko na maitago sa paningin ng aking ina. sa unang pagkakataon, tinanong niya ako kung ok lang ba ako at kahit hindi ako sumagot sa panahon na yun, ramdam ko ang pag-aalala niya sakin, SATIN.
dahil mas pinili ko ngang maging bukas sayo higit pa ninuman, alam kong iiwas ka sa mga bagay na makakasakit at magpapaluha sakin. pero totoo pala, higit pang mas masakit manakit ang taong pinangakuan kang ilalayo sa dusa at mamahalin ng buong-buo, dahil nakalimutan kong itago ang mga kahinaang ginamit mo para saktan ako ng todo-todo.
di ako nakaligtas. wala akong takas.
alam mo ang kakulangan na meron ako. pinunan mo at hindi ko naramdaman ang kawalan ng mga ito. pinuno mo ng pagmamahal at sinikap mong ilagay ang permanenteng ngiti sa aking labi. totoo, minahal mo muna ako ng sobra sobra at matagal ko bago nasuklian at nahigitan ang pag-ibig na iyon. ngunit ikaw rin ang unang nagbago at inilayo ang sarili mo sakin hanggang sa hindi ko na makilala ang taong minahal ko at nagmahal sakin noon.
ang daming nagbago, pero pilit paring nakakapit sa kamay mo.
alam kong hindi naging madaling mahalin ang isang tulad ko, ngunit nagtiyaga at nagtiis para maamo ang natutulog kong puso; manhid man ang tawag mo dito. napagalaman ko na sapat na ang panahong ipinagkait para mahalin mo ako, kaya nagpasya akong maghubad ng maskara sa iyong harapan at inilantad ko sayo ang pinaka iingatang sekreto ng aking pagkatao.
nanginginig ako noon sa takot na baka sa nalaman mo ay talikdan at iwan mo ako. ngunit niyakap mo ako at sinabing mas higit mo pa akong mamahalin at nangakong iingatan mo ang babaeng puno ng sekreto.
nagbunga din ng magandang resulta ang bawat pagtatapat ng mga puso at natugunan ito ng isang 'di maipaliwanag na kaligayahang samahan na umabot pa sa sumpaang magkahawak kamay hanggang sa ubanin na ang ating mga buhok. at tayo rin mismo sa isa't isa ang magsisilbing tungkod na aalalay sa kahit anong unos ng buhay ang dumating.
ngunit nakalimutan kong may nakatakdang hangganan ang pag-iibigang kumakalaban sa batas ng langit. 'di ko narin nawagang pigilan ang pagbabagong yumayakap sa iyong pagkatao, bagay na kinabahala ng puso kasabay ng lumuluwang na hawak ng iyong kamay. ito na. ito na ang aking kinatatakutan pero wala ng atrasan. sugod na lang.
mas lalo akong nalungkot dahil wala pa namang matagumpay na naisulat sa libro ng FAIRYTALE na nagsakatuparan sa dalawang prinsesa na magsasama habang buhay at may HAPPY ENDING tulad ng iba. ngunit sabi nga ng ilan, isang prinsipe ang kokompleto sa kwento ng isang babae.
ngunit ano bang alam ko sa mga prinsipe na yan, ayokong himasukin ang kwento ng iba. andito ako para tapusin ang kwentong sinimulan natin noon.
hindi ko na kayang tiisin ang paglayo ng mga taong mahahalaga rin sakin lalo na kung binabalak mo rin pala na ako'y lisanin. hindi ko na kayang pagbigyan ka pa sa gusto mo at hayaang ikaw na lang ang nasusunod at tanggihan ang mga opinyon ko. hindi ko narin kayang isiksik ang sarili at magmakaawang ayusin pa itong patuloy na nasisirang relasyon.
tama na. pagod na ako.
pagod na akong tumabi sayo at bugbugin ang sarili ko sa kakahawak ng kamay mo. ang iyong kamay na kinakapitan ko na kahit anong mangyari, sabi mo kapit lang ako. ang nagsilbing lakas sa bawat laban na kinakaharap at patunay na ako'y iyo at ika'y akin.
sa puntong 'to. suko na ako.
di na kita kayang alagaan kung alagang-alaga ka na ng iba. di na kita magawang yakapin pa sa tuwing malungkot ka dahil napapatahan ka na niya. di mo narin magawang magsabi ng saloobin dahil andiyan na siya at di na rin mahalaga ang opinyon ko dahil mas higit na siya ang pinakikinggan mo.
ano pa ba ang panghahawakan ko? kung pinili mo narin kumapit sa kamay niya at gumagawa na lang ng dahilan para bitawan na kita. tawagin mo akong maramot, pero ikaw lang ang taong ipinagdadamot ko higit pa ninuman. masama bang protektahan ko ang nag iisang taong matatawag kong akin at akin lang?
nagyari na. ako na ang nagparaya.
'di mo alam kung gaano pa kita gustong alagaan, yakapin sa kabila ng problemang sumusunog sa pag-asang manunumbalik ang dating pagtitinginan. kung kumapit ka lang sana at hinayaang pagtibayin tayo ng pagsubok na tumutuligsa sa atin. kung kumapit ka lang sana, maibibigay ko rin sayo ang dating sigla na meron tayo at higitan pa sana ang kung anong meron tayo noon.
kung kumapit ka lang sana.
at kung nakakapit ka pa, malamang nakakulong parin ako sa relasyong ako narin ang sumisira sa paraiso kung saan nahan ka't ako. di ko rin mararamdaman ang sakit, higit na sakit na wala ka na sakin habang ang puso ko'y nakakahinga narin at malayang nagpapagaling. hindi ko rin mararamdaman ang halagang nakikita ng ilang tao sakin dahil binuhay mo ako sa mga katagang ikaw lang ang may kayang gawin at magbigay ng ganung klaseng pagpapahalaga.
siguro nga, tama ka. ikaw nga ang una't magigng huli na magpapalasap ng ganung klaseng buhay sakin; ayoko ng sundan. ayoko ng masundan ng isa pang ikaw dahil nakakapunit ng pagkatao ang pagmamahal na ipinako mo sa dusa at walang humpay na agos ng luha sa aking mga mata.
ang sakit. ang sakit sakit.
kung hinayaan ko pa ang sarili na manatili sayo sa kabila ng sakit na pinagtitiisan kong saluhin, malamang wala na ni isang katiting sa pagkatao ko ang matitirang bibitbitin ko sa aking paglisan sa mundo kung sa'n andoon si ikaw at ako.
ang alam ko lang, ayoko na.
ayoko na ng ganitong pagmamahal. ayoko ng ibigay ang lahat lahat na meron ako at ayoko narin ipahawak sa ibang palad ang kaligayahan ng puso ko. ayoko ng manuyo o humingi ng paumanhin sa bawat maliliit na alitan na 'di naman dapat pinagaaksayahan ng panahon. ayoko na ng nakakasakal na pag-ibig at ayoko na rin ng isang nananakit na kamay. gutay-gutay na ang bullet proof na pinanggalang ko sa loob ng anim na taon.
ako na, ako na ang aawat na.
mahal kita. higit pa sa naisusulat ng aking mga tula. sinagad ko na ang lahat ng aking makakaya at ito na, napagod na. pagod na pagod na talaga. kaya tama na, ako na ang bumitaw, ang sumuko para makita ko ng tuluyan na malaya at masaya ka ng walang ako na aalalay sa bawat paggising mo sa umaga.
salamat dahil naging masaya ako sa taong nakapaloob ng ating pinagsamahan. ramdam ko ang pagmamahal at pagpapahalaga mo sakin. ang pag-aalaga at pag-aalalang inilaan habang hindi ka pa noon nagbabago. ikaw ang unang pagsinta at ang lahat lahat sakin. salamat dahil ikaw ang nagsilbing lakas at dahilan para mahubog ang kung ano mang meron ako ngayon. ikaw ang naging kabiyak ng buhay ko't pinaglaaanan ng aking kamay.
patawad kung umabot na sa sukdulan itong paghihiwalay. di ko narin naawat ang desisyong aking nabitawan, anim na buwan na ang nakakalipas. dahil alam ko't alam mo, wala na ito pupuntahan. patawarin mo ako kung ako'y kabilang na ngayon sa mga taong nag paasa at nakapanakit sayo.
patas lang tayo.
alam ko namang may nakahandang sumalo sa kamay mo ng ito'y huli kong hinagkan at tuluyan ng binitawan.
wag mo ako isipin, tinatapos ko lang ang penetensiyang ito sa 'di ko paglisan sa maagap na oras. ninanamnam ko ang bawat hapdi at sakit ng paghihiwalay na ito. dahil ako rin naman ang nagpasya at ginustong gawin to para naman hindi ako maging madaya o maging madamot sa aking sarili at sa taong papalit sa kamay mo, kung may mag baka sakali man ako'y kupkupin ulit.
gusto ko ako naman ang hanapin, paglaanan ng oras at higit na mahalin. gusto ko namang magpahinga. itulog sa mahabang panahon ang sugatang puso. paglaanan ng atensyon ang napabayaang sarili at hanapin ang kaligayahan ng walang ikaw na titingnan at kamay mo na panghahawakan. alam kong hindi ito magiging madali pero sino ba ako ngayon para madaliin ang lahat?
sa taong mang may nais aking bawiin sa pighating dinanas ng namayapang pag-ibig, pasyensiya ka na. 'di ko ito gagawin madali para sayo. maaaring maging mailap ako at masaktan kita. alalahanin mo na inihahanda ko ang sarili ko sa iyong pagdating at nagpapagaling pa lang ako ng buong buo para sayo.
'di mo kailangan intindihin ang lahat ng ito. hayaang makilala kita at makapalagayang loob. tulad ng sinabi ko, 'di naman kailangan madaliin ang lahat ng ito.
maaaring hindi pa ako handa kung sakaling dumating ka ng mas maaga ngunit kung sino ka man, hayaan mo't susubukan ko muling sumugal at mahalin ka sa paraang 'di kukulangin ang aking bibigay.
habang wala akong kahawak kamay sa mga panahon na ito
pangako, bakante ang kamay ko hanggang sa pagdating mo.

Sunday, October 3, 2010
PIITAN
sa maliit na bintana pilit dumudungaw
namumugtong mga mata may kung nais matanaw
liwanag na sumisibol sa 'di kalayuan
ang humahalik sa pisnging tigang sa katarungan
nangalawang na ang kadenang nakagapos sa paa
sa sementadong haligi na kanilang ipinasadya
sa apat na sulok na ito'y itinuring mong palasyo
kung sa'n ika'y isang bilanggo sa sarili mong trono
musika sa kanilang tenga ang 'yong mga hikbi
bumabahang paghihinagpis sa mata nila'y nagpapangiti
pagapang ka maglakad sa hapdi'y napapapikit
sa hagupit ng latigong sa katawan mo'y dumidikit
umaaray ang bawat buto sa iyong abang katawan
pighating walang kaparis sa masalimuot na kinalalagyan
isa ang iyong lingkod sa mga salaring tumutuligsa
at nang-iimbitang ika'y iharap sa korte suprema
upang lalong idiin sa kasalanan naming tanan
ikaw na tumanggap ng panlilibak sa buong sangkatauhan
naging mahina at marupok sa pang aakit ng karangyaan
na lingid sa aming kaalaman, lahat ng ito'y may hangganan

ang nagbabadyang pagbabalik, huhukom sa sanlibutan

Subscribe to:
Posts (Atom)