marami na ang nagbago, at patuloy ang pagbabago
marami na ang nangyari at marami pa ang mangyayari;
sa loob ng mahabang panahon, konti lang ang nagawa ko
para sa taong binago ako, ako at ang pagkatao ko.
noon, ginagawa ko ang lahat ng gusto ko,
lahat na walang gumugulo sa isip ko;
ngayon, sa bawat desisyon na gagawin man,
ay may tao akong 'di dapat kalimutan.
sinasalo mo ang problemang sa akin lang nababagay
binigay mo ang saya at tiwala sa aking buhay;
noon, sa dami ng problema, hindi ko na makayanan
pero ngayon, ikaw ang problemang di ko kayang tanggihan.
nasubaybayan ko ang paghihirap mo sakin
saksi ako sa mga luhang ako ang siyang salarin;
ako ang taong minahal mo't isinuko noon
na ngayo'y aking problemang pinaglalaanan ng atensyon.
problema ko kung pa'no kita pananatilihing masaya
tanggalin ang luha't palitan ng ngiti sa mukha,
umiwas sa mga bagay na nakaksakit na
isang problemang ako, ako na ang gumagawa.
problema ko kung pa'no pa kita mamahalin
pasiglahin ang nasimulang relasyon natin;
ayokong luha na lang ang nakikita sayong mga mata
pero ang problema, ako, ako ang siyang nagdadala.
problema ko kung pa'no pa kita aalagaan
punan ang pagkukulang at ika'y pagsilbihan,
baka magkamali ako't ika'y aking masaktan
isang problemang ,ako, ako na ang may kasalanan.
problema ko kung pa'no pa kita lalambingin
iparamdam kung gaano ka kahalaga sa akin;
baka sa paglaon ika'y magsawa't mag-iba,
isang problemang ako, ako mismong gumagawa.
problema ko kung sa akin, ika'y mawawala
talikuran ang pag-ibig aking ipinagkatiwala,
ikaw ang problema na sa aki'y ipinaubaya
"kaya, pwede ba kitang maging problema, hanggang sa pagtanda?"
Friday, October 16, 2009
Friday, October 9, 2009
REGALO
mula sa salamin ng ating nakaraan
sa mga pintong atin nang napasukan,
pag-iibigan ma'y sa maling kapanahunan
siyang paghihirap nati'y di ko pinagsisihan
taon narin ang nagdaan
mula sa kahapon kita'y nasilayan;
ikaw ang pinaka-iingatan sa aking piling
siyang sagot mula sa aking matagal na panalangin
manhid man noon sa piling mo sinta
tinik may dala ko, ika'y nagkasugat na;
mula kahapon, sakit ang dala ko
at magpahanggang ngayo'y heto parin ako
"ako sa katigasan ng ulo'y walang pinagbago
ikaw sa piling ko'y di parin lumalayo,
ako sa kabila ng aking kapalalo,
ikaw na patuloy, sa atin di sumusuko"
katanungan sa aki'y di na lumayo,
at kasagutan ma'y patuloy sa pagtago;
mula sa paglalakbay na walang kasiguraduhan,
dumating ka sa panahong gulo ang aking isipan
gulo mula sa aking nakaraan
taon na di ko malimot-limutan,
sakit na dala ng aking kabataan
at damdamin sayo'y lihim na iningat-ingatan
di na kataka-taka, ako'y lubos mo ng kilala
ngunit sa kabila nito'y pinilit mong lumapit pa;
na kahit sa sakit na dadanasin mo,
ika'y patuloy sa pag-ibig, kahit ako'y di karapat-dapat nito
sa nakaraan, mata mo'y di na tumigil sa pagluha
puso'y patuloy sa sakit na dala ko sinta;
hanggang di ko na kinaya ang aking nararadaman
at pinagpasiyahan, putulin na ang aking kasinungalingan
aaminin ko, ako'y naging sunod-sunuran
mula sa mga taong, tutol sa ating nararamdaman;
piniliy kong saktan ka, sa kabila ng aking pagmamahal sayo,
na kahit ikasuko mo noo'y tatanggapin ko ng buong-buo
mali man ang pag-ibig na nararamdaman natin
mali man, dahil batas ng langit ating babanggain;
ngunit mali rin na makinig sa bibig ng iba,
dahil puso nila'y di pusong ganito kung magmahak sayo sinta
"mahabang panahon din ang pinaghintay mo
malaking kasinungalingan, pinilit kong itago;
mali man sabihin ayokong mamuhay sa salita ng iba,
ngunit naging alipin, at hinayaang diktahan ng iba"
ngunit, tama na, tapos na ang pagtatanghal
damdamin ko'y di na kayang magpakahangal;
alam ng aking puso, diktahan man ng isipan,
ikaw lang ang taong magmula ngayo'y aking ipagdadamutan
di rin maganda ang mga nagdaang linggo
mula sa kasinungalingan, na nagawa ko sayo,
masakit man tanggapin na ang tiwala mo
biglang nawala dahil sa kapalpakan ko
ngunit kahit magkaganun, di ko hahayaan,
ilayo ka ni tadhana, at a'ko'y pagdamutan;
alam ko mali at pinagsisihan ko ito,
dahil tiwala mo'y isa sa aking pangangailangan ko
isang unos man ang sumalanta sa atin,
isang kasinungalingang muntik ng ika'y agawin,
hindi ko hahayaang wala akong gawin
"dahil ikaw ang buhay ko't kabiyak ng damdamin"
dumating na ang araw ng isang simula
simula hindi lang sa panibagong pagsasama;
kundi isang pagbabago sa iyong katauhan,
paaalam kamusmusan, pagdadalaga'y ating paunlakan
"ngayon may ganap na ang laya sa buhay,
huwag kalimutan, 'wag suwayin sila inay;
kahit malaki na at malayang makapag-isip,
isang alang-alang, di tayo nagmamadali wag kang mainip"
isang pagbati mula sa iyong kabiyak,
at lubos na nagpapasalamat at ako'y muling tinanggap;
pakatandaan mahal ko, sa kabila ng pagmamata ng iba sa atin,
pagmamahalan natin ating ipabatid, kainggitan ng madla, sa atin ay nakatingin

Wednesday, October 7, 2009
PABALAT NG ATING PAGMAMAHALAN
sinubukan kong tanawin ang ating nakaraan
mula sa panahon, kita'y unang nasilayan,
ngumiti ako't ika'y aking pinagmasdan
ang laki ng pagbabagong ating napagdaanan.
mula sa malayong mundo na ating pinagmulan
magkaibang puso'y parehong naghihilom sa nakaraan
hindi ko inaasahan sa aking paghahanap
kamay mo ang panghahawakan, sayo ngayo'y nakayakap.
hindi man seryoso ng ito'y sinimulan
nakaraan pari'y laging binbabalikan,
nasaktan sa pag-ibig, nagbulag-bulagan,
sa katotohanang ikaw pala saki'y nakalaan.
naabuso ko ang pagmamahal na sa akin binigay,
tinalikuran ma't iniwasan puso'y di rin napalagay,
naguluhan sa takbo ng oras, na ating pinanggalingan
ngunit ng makapag-isip, ako'y may napagtantuan.
inisip ko ang hiling bago dumating dito,
mula sa itaas, pinalangin ko ng husto,
na sa pagtapak ng mga paa, sa bawat hakbang nito
ay makita't makilala, ang taong hinihintay ko.
ako'y dismayado sa aking paghihintay
di ko makita ang kalahati ng aking buhay;
inabot ng ilang taon bago ko napagtantuan
na ang taong hinihintay ko ay ang nasa aking harapan.
ako'y naging bulag, naging mapaghanap pa
ngunit isang biyaya ng ika'y ipagkatiwala,
hiniling ko muli't nagpasalamat sa kanya
wag kang ilayo at ika'y aaalagaan ko pa.
nasaksihan ko ang mga hirap mo sa akin
nararamdaman ko kung paano mo ako mahalin;
andyan ka sa panahong sukdulan ang aking ugali,
hindi ako iniwan, nagtiis, makita lang ako nakangiti.
alam ko parin ang pakiramdam, lihim ng ating iwasan
nagkukubli sa galit, pag-ibig di'y mapagsigawan;
mga pagkakataong huwad na ngiting pinapakita
sa pagtatagong selos ang namumuo buhat sa mata mo'y na sa iba.
naalala ko rin ang pagsasama natin
na kahit hindi tayo, pinipilit kitang angkinin,
na sa mata ng madla kita'y tinatalikuran,
iniwasan ang lahat ng bulung-bulungan.
malaking kasalanan ang nakabaon sa nakaraan
maraming katanungan ang wala paring kasagutan,
ang lihim ng nakaraan na sa atin namagitan
ay ang iniingatang alaala na hindi ko ipagpapalit man.
tama na ang usapin sa ating nakaraan
sapat na yung pundasyon sa ating pag-iibigan,
hayaan mo naman ngayon ating pagusapan
sa loob ng isang taon, tayo'y muli nasubukan.
naalala ko ang gabi ng mapag-usapan natin
ang pag-ibig na lihim na nararamdaman parin;
ng ako'y biglang yakapin at labi mo'y dumampi,
sa iyong paglisan ay bigla akong napahikbi.
naiinis ako dahil ikaw pa ang lumapit
nasaktan kita dahil puso ko'y pinagkait;
ngunit dahil ikaw lang ang laman ng aking isipan,
kaya't ang pagkakataong, kita'y muling panghawakan.
hindi ko na inisip ang bulung-bulungan
salita ng iba'y, ako'y diktahan man,
kung kasalanan man ang tingin ng iba
ako'y nakahandang sayo'y magkasala.
ang masarap na pakiramdam, kita'y laging kasama
ngiti mo'y nasisilayan, mata mo'y na sakin na,
dahil pag-ibig natin ay totohanan na
singsing na naibigay upang di ka kumawala pa.
kung kailan tayo'y muling nagkasama na,
bakit tadhana'y, ika'y nilayo pa;
panandaliang ika'y mananatiling malayo
isang parusang tinganggap, binalik kang buo!
hindi naging madali, pero ika'y inaasahan
bumalik saking piling di sana panandalian;
ang hirap kalabanin sa kinaroroonan mo
isla't karagatan ang pagitan ko sayo!
sayong pagbalik, sa muling pagkikita
pangako sa sarili, di ka na mawawala,
na kahit pilit tangayin sa aking piling
unos ng problema'y aking susuungin.
dumating din ang pagkakataon, tayo'y muling nasubukan
nagawang magsawalang kibo, itong kasinungalingan,
na kahit humantong sa matinding hiwalayan,
pinilit kong magpakabuti, kahit tiwala ako'y nawalan.
hindi ko makakayanang ako'y iwan dahil sa kanya
isang kasalanang matagal ko ng tinama,
na kahit mahirap pero ito'y nararapat lamang
na mahalaga sa magkasintahan ang katapatan
pagsasamahan ma'y laging sinusubukan
problema'y sadyang wala ng katapusan;
kaya sa aking pagpapasya, akin ng inamin
sa mata ng ina, saktan ma'y titiisin
tama na ang mahabang panahong pagtatago
ika'y nararapat na makilala ng mundo;
wala akong kinatatakutan kung ito'y kamalian
dahil ikaw mismo ang tumama at ang aking kasagutan.
kung ma'y nagbabalak na tayo'y sirain
subukan na tayo'y pilit paglayuin;
tama na ang lahat na aking iniwan
para ika'y makasama ko hanggang sa katandaan.
sa loob ng limang taon ng ating pagsasama
sa kabila ng saya, lungkot maging sa pagdurusa;
ikaw lang ang mahal ko ang nagpabago sa takbo ng aking kapalaran,
na minsa'y di ko pinagsisihan, dahil alam ko,
sa pagsasamahang ito'y walang nakatakdang hiwalayan.

Subscribe to:
Posts (Atom)