hindi ko na maalala ang kanyang mukha
ang hugis ng kanyang labi't mapupungay na mata
hindi ko na rin maalala ang kanyang malambing na tinig
ang maamong ngiti't matikas niyang tindig
hindi ko alam kung bakit 'di ko na maalala
ang isang tulad niyang prinsesa sa ganda
sinusubukan kong isipin, balikan ang mga taon
kung saan habulan kami ng kanyang atensyon
siya ang unang pagsinta at nagmahal sakin ng higit
dampi ng kanyang labi't yapos niyang kay higpit
sa kanyang mga braso, ako'y napako sa ligaya
ng kanyang sambitin, "ikaw lang ang aking prinsesa.."
nakakapagtakang wala akong maaalala
ni ang pabango mong ninakaw na ng lupa
sinubukan kong magmahal sa paraang alam ko
"ngunit sa kapwa prinsesa nahulog ang nabigong puso.."
siya ang nagpamulat sa aking kaisipan
at nagbukas sa puso kong takot na masktan
kahit labing dalawang taon na kitang pinagluluksaan
'wag sana magtampo, kung makaligtaan kita minsan
hayaang maghilom ang sugat ng iyong mutya
heto nat bumabangon, 'wag ka ng madismaya
"ikaw parin ang alaalang patuloy na aalalahanin
at hayaang isang prinsipe na ang magtuloy ng iyong damdamin.."
No comments:
Post a Comment