hindi naman naging madali para sakin
maharap sa sitwasyong kita'y kumbinsihin
higpit ng hawak mo'y lumuluwang bawat araw
kahit masakit ako na, ako na ang bumitaw
minumulto man ng pagsisisi sa aking nagawa
pagpasyang kalagan ka at ng ako nama'y makahinga
hindi biro ang taning na ibinigay ko noon sayo
sa panlalamig ng puso, ako na, ako na ang sumuko
'di mo na rin nagawang ako'y awatin pa
ni habulin ng tingin habang papalayo na
'di mapigil na sakit at pagdaloy ng luha
sa kamay ni supremo sinasauli na kita
walang gabing 'di pagod itong mga mata
ni ang isip ko di na rin magawang magpahinga
ayoko ng magbabad sa mga alaalang naiwan
hayaang masanay ang kamay na walang ikaw na kakapitan.
(bumuti man ang kalagayan, puso'y di na umaaray. madayang mga alaala, sa gabi ako pinapatay.'di kayang tanggalin ng ligo o tulog ang nasirang anim na taon
sa kama kung saan ika'y kasabay noon sa bawat pagbangon.)
No comments:
Post a Comment